Menu
Philippine Standard Time:

TANGOSIANS, MULING PINALASAP SA NCR ANG PAGKAPANALO

- Morris C. Elunio (Ang Daungan) -
May 27, 2019

Pinalasap ng mga mag-aaral ng Tangos National High School (TNHS) sa National Capital Region (NCR) ang pagkapanalo sa kabila na kinahaharap na krisis ng mundo.

Idinaos ang National Festival of Talents (NFOT) sa Ilagan, Isabela  noong  Marso 17, 2020 na dinaluhan ng 17 rehiyon na mula sa ibat-ibang probinsya at lungsod sa Pilipinas.

Magarbo ang pagsalubong sa mga panauhin at mga kalahok sa nasabing mga timpalak. Husay at galing ang ipinakita sa kani-kanilang mga napiling larang; mula sa pag-indayog, pag-awit, pagsulat, pagsasalita, at iba pa.

Tinadtad, hinimay at sinakto ng pagproseso lamang ng mga mag-aaral ng TNHS ang kompetisyon ng Food Processing kaya nagwagi sila Kristine Jhoy A. Orsaiz, Mathew R. Vicente, at Jesusa N. Sevilla ng ikatlong puwesto at ito’y sa tulong ng tagapagsanay na si Gng. Leonora S. Yao sa pamamahala nina G. Eduardo T. Gallego (Puno, Kagawaran ng TLE) at G. Olival B. Cruz (Punungguro). Gayundin sa pagsubaybay ng Tagamasid Pansangay ng TLE na si Dr. Grace R. Nieves at sa Nanunungkulang Tagapamanihalang Pansangay na si Dr. Alejandro G. Ibañez.

Sa kabila ng lahat ng talento, nakamamanghang isipin na ang mga timpalak na ito ang nagbigay ng prestihiyosong gantimpala sa ating paaralan – ang Tangos National High School na mula sa Dibisyon ng Navotas (SDO Navotas) na kumatawan naman sa NCR.